Noon: Kapag may sinuksok, may madudukot.
Ngayon: Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.
Noon: Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda.
Ngayon: Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
Noon: Ang taong nagigipit... kahit sa patalim ay kumakapit.
Ngayon: Ang taong nagigipit... sa Bumbay kumakapit.
Noon: Pag may usok... may apoy.
Ngayon: Pag may usok... may nag-iihaw.
Noon: Ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan.
Ngayon: Ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan.....ay may stiff neck.
Noon: Ang naglalakad ng matulin, pag natinik ay malalim.
Ngayon: Ang taong naglalakad ng matulin, late na sa appointment.
Noon: Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.
Ngayon: Hindi lahat ng kumikinang ay ginto... muta yan.
Noon: Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
Ngayon: Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.
Noon: Ako ang nagtanim, ako ang nagsaing... iba ang kumain.
Ngayon: Ako ang nagtanim, ako ang nagsaing... iba ang kumain. Diet ako eh.
Source: Selected quotations from Lafflines; Light Touch Magazine, Vol. 10, Number 4, pp. 35-36
(Sorry for those who can not understand Tagalog:)) Translating it into English may be okay but may not give the punch!!!:)
Hehehehehehe... =)
ReplyDeleteHeheh, this is fun. I like the stiff neck part a lot kasi parati akong may stiff neck. If you spend a lot of time in front of a computer, chances are you will get a stiff neck :-)
ReplyDeletethe 'pag may usok... may nag-iihaw' reminds me of christmas.:-0
ReplyDeletemalapit na.
Buti hindi ako lumingon, baka hindi
ReplyDeleteako nakarating dito sa kinaroroonan
ko. Ilokano translation kaya?
Cheers folks!
Layad,
ReplyDeleteMadik mapan Singaporen ta baka no ti amok to lang nga isurat ket Hehehehehehe... =) ha ha ha peace hope you are doing okay there
bb,
yes, and it must be a good excuse:) probably it is one of the unknown side effects of too much exposure in computers that the medical people have not discovered yet:)
p,
mukhang mahilig kayo sa inihaw. i like inihaw too because it is not greasy except that i try to avoid the burned part(black) that is suppose to be carcinogenic. pag nagkitakita tayo, mag-ihaw tayo:)
tb,
sige nga po, itranslate ninyo sa ilocano?
thank you guys for dropping
naku...luma na ang mga ito but they sure can still make one smile=) isa na ako dun...
ReplyDeleteFBI
ahaha! kakatuwa yung sa bumbay kumakapit... hits close to home... lol :)
ReplyDeleteoo nga maraming bumbay diyan!:)
ReplyDelete